Wednesday, June 16, 2010

SIMPLENG HILING SA PRESIDENTE NG PILIPINAS!


Totoo nga na madaming problema ang bansang Pilipinas. But what else is new? Corruption, traffic, kakulangan sa madaming bagay at serbisyo! Sa sobrang dami mahirap malaman kung saan ba dapat magsimula. Kahit ano man ang unahin nila, narito ang ilang simpleng proyekto at adhikain na makapagpapabago ng Pilipinas.

1. Ibalik ang BATIBOT!

Sayang, dahil pagmulat ng mata wala ang langit na nakatawa pati ang Batibot. Naging bahagi ng pagkatuto ng maraming Pilipino ang Batibot… sa totoo nga ito ay bahagi ng aming pagiging bata. Ang palabas na tulad ng Batibot ay nakatutulong upang mas madaling matandaan ng mga bata ang pagbibilang, ang mga alpabeto at marami pang iba. Akala ko nga ang Batibot ay bahagi na ng ating kultura… hindi pa pala. Buti pa si Dora at Boots kilala ng mga batang pinoy, paano na lang sina pong pagong at kiko matsing?

2. Magtanim ng madaming puno.

Mukhang gasgas na ang proyektong ito. Pero, kailan nga ba huling nagtanim ng puno ang pamahalaan? as in yung malawakang pagtatanim. Sa tindi ng init na nararanasan natin ngayon, kailangan nating magdagdag ng sources ng oxygen. Ayun nga sa lecture na dinaluhan namin sa La Mesa Ecopark, para ma-purify ang air sa isang lugar kung saan dinaraanan ng isang sasakyan ay kailangan mo ng mga 20 na puno. Tama, dalawampung puno. Just imagine, gaano karami ang sasakyan sa Maynila, at ilan ang puno sa daan para maglinis ng hangin? Kung ang bawat daan sana ay tataniman ng mga halaman, shrubs at mga puno, e dadami ang sources ng malamig na hangin na - oxygen. Tingan mo halimbawa ang parking lot ng malalaking mall? Sigurado akong may mga bahagi pa dun na pwede pa sanang pagtaniman ng puno. Napakadaming pinapasementong daan, pwedeng tama yun, pero sana kaalinsabay sa pagtatayo ng mga bagong mall, kalsada at mga opisina ay ang pagtatanim ng puno.

3. Magpagawa ng maayos at malinis na school canteen at banyo.

Aminado ang pamahalaan na kulang ang mga classrooms para sa mga mag-aaral kaya madaming klase ngayon ang nagsisiksikan. Maaring kulang din ang pondo sa pagpapagawa ng mga ito. Pero hindi lang naman classrooms ang pangangailangan ng mga studyante, pwedeng hindi lang inaangal ng madami pero maraming school canteen ang hindi maayos at madumi. Unhygienic baga. Oo nga, nasasapawan ng pangangailangan ng classrooms ang problema sa mga school canteen, pero tulad ng iba pang problema eto rin ay kailangan sulosyunan.

Sige, pwede muna nating ipagpaliban ang usapin sa school canteen, pero ang problema sa mga palikuran sa mga paaralan hindi dapat isnabin. Madaming paaralan ang hindi maayos ang mga banyo, walang sistema para dito at kulang din ng pondo para ipambayad sa mga utility personel na maglilinis nito. Mula noong nag-aaral pa ako hanggang ngayon, na may pagkakataon na nakabibisita ako sa mga paaralan, isa pa ring malaking problema ang CR. Madumi, barado, walang tubig at walang maglilinis. Sabi nga sa isang libro, minsan kahit iihi ka lang, minsan mauuna ka pang masuka.

4. Magpagawa ng malinis na CR sa mga istasyon ng bus at barko

O wag na muna tayong lumayo sa usapang banyo. Kung ikaw yung tao na mahilig bumiyahe sa mga probinsya o kahit sa Maynila lang, siguro na-experience mo na ang maduduming banyo sa mga bus station. Ok pa kahit papano yung sa ibang bus station na malapit sa Jollibee o McDo kasi may option ka, pero paano kung wala. Nung minsan bumiyahe ako papuntang Bolinao, grabe ang mga nadaanan naming CR ng mga bus station, hindi maganda at nakakahiya sa mga turista. Maganda ang Pilipinas, mga ilog, beach, resort, hotels at iba pa, pero aminin man natin o hindi kasama sa mga dadaanan mo pagbumibiyahe ang mga kubeta!

Maaring ang mga nabanggit na proyekto ay simple lamang pero sa tingin ko, ang mga ito ay mapapakinabangan ng madaming Filipino. Kung masisiyahan ang madami, bakit hindi di ba?

3 comments:

  1. Shoot! Agree ako sa lahat ng ito, especially yung no. 1, ang pagbalik ng Batibot! Very educational para sa kabataang Pinoy, dito tayo namulat ng magagandang asal na dapat nating ipagpatuloy..

    Kaya kapag tumakbo ka sa any position sa government, suportahan kita.. Go, Kuya Edel! :D

    ReplyDelete
  2. Thanks ate Vanesa... pero matagal pa ko kakandidatong Ms. Earth. hehe!

    ReplyDelete
  3. hahaha! at Ms. Earth talaga? naku, wag na dun..ako ang bagay sumali dun.. (toinks!)

    ReplyDelete