Sunday, June 20, 2010

I AM THE KEEPER OF THE FAIRY'S HEART


Allure my heart and wake my dream
Reminisce the fight in my chamber of faith
Lionize yourself; see your reflection on the stream
Endear the moment, feel how they bait
Nuisance of fear of the fairy in doubt
ENtice your emotion; hear the keeper shout.


Hum ‘till I hear you cry and sing.
Empire of rage is waiting for the king,
Resound the hymn and begin to see.
Marathon of fire melts to the sea.
I am the keeper of the fairy’s heart
Devoted to wait ‘till I bring it home,
As I keep the fairy’s heart
I start again and dream alone.

- Edel S. Garingan

Friday, June 18, 2010

MY (27th) BIRTHDAY PROJECT...




Despite of the national hype on the observation of the Labor Day, I was so enthusiastic to stretch my bones and go to work. And so, I woke up early, had my breakfast and enjoyed the travel with no traffic. While on the road and looking outside the jeepney window, crazy things visited my mind and started to outline things that I need to accomplish for my 27th birthday. Ding-dong! I almost forgot my big day.

I wanted something new for my birthday not the usual gatherings, going-out and drinking – and so I thought of may be doing crazy things but then I can’t do that. I considered going to places I’ve never been like Boracay, Davao and Palawan but then I can’t afford that. In my frustration I just focused on the things that I do best and I can do with the least resources (yun naman pala ang dahilan). Well anyway, I was able to list down ten things that I ought to do for my birthday.

I started my birthday project by doing personalized and hand-made greeting cards to five youth leaders that had been very close to me (oops, others please don’t be jealous, it is just that I can only make 5). It doesn’t mean naman that because it was my birthday, I need to be the one to receive gifts like this, may be I can revert the tradition. I put all my creative juices in the cards… hopefully it went out good.

This one is really exciting and very special too. My second project was the storytelling session to 15 children of our volunteer mothers in one of our service center. It was fun; I told them the story of “ang bata sa basket” by Augie D. Rivera published by UNICEF. To make it more special, I prepared the snack for them. I cooked corn and tuna macaroni for the little party that we had. The youth loved it but not most of the children, they had more fun of the story and the orange/grape juice. On the other hand, Ma'am Cynthia, our (former) agency director sent to me some cute and very practical items that I used as prizes for the kids who made wonderful "I love you" card for the parents.

The next project I took was to give gifts to three sponsored children. I chose one guy from our theater group who celebrated his birthday during our training in Loyola Retreat House. Kuya Joel, my friend and officemate sponsored the school supplies I gave to Judai and Austin (wonderful young singers of our theater group). I also gave the sweat shirt I bought from Baguio to a friend (youth leader) who later on gave me a special treat at COCKTALES! Sarap!

Next on my list was to conduct resume-writing workshop to program graduates. Unfortunately, only 2 individuals attended the workshop so it became like a tutorial session for them. But I really enjoyed it; I saw in their faces that they have learned something from me. I may not be an expert on this, but at least I can help based on what I know and do.

My fifth project was to send snail mail to a very special friend from the province. I bought old traditional airmail envelope and put my writing in a yellow paper just like the old days. Oh my! I didn’t know that indeed, snail mail works so matagal, as in more tan two weeks before it arrived in Quezon, but worth the wait, because she liked it.

I actually listed ten things, but because of many projects that I have to accomplish in the office, I only achieved the above 5 targets. But I’m still happy of these things.

There were four things I was not able to do (saying). Those are (1) join a competition, whatever it is (2) offer fruits, as in many fruits, in a mass celebration (3) create an artwork for the office and (4) collect 25 centavo coins and donate it to the Pondong Pinoy. My birthday-session, probably, is over but that doesn’t mean I will stop pursuing these 4 projects… and more, and more!

There were also side projects; opportunities that just went a long the way. Like I had invitation to do a storytelling session at UP Los Baños, Laguna with the Asian Rice Institute then had a tour at IRRI, which is really beautiful I had this nostalgic feeling of my New York days.

On the actual day of my birthday, we were having the general and dress rehearsal for our Youth RAK Concert (by the way, RAK means Random Act of Kindness). Before we proceeded for our dinner, the youth surprised with a cake and a beautiful rendition of “happy birthday”! That inspired me to do more things for the youth and children of Children International. I felt that I am loved by many people… that can’t be replaced by anything or anyone in any way.

BUNDAT


Baliw! Nakababaliw ang pag-ibig.

Noong ikinasal kami ni Rudy samu’t-saring emosyon ang nagsumiksik sa aking damdamin. Tulad ng ibang dalagang inihahatid sa dambana, kasiyahan ang aking nadarama. Puli-pulidong kaligayahan na tila hindi kukupas kailanman. Kasabay ng pagkumpas ng kaligayahan sa aking puso, naroon sa pasilyo ang pag-awit ng kalungkutan. Hay, ito na siguro ang kalooban ng Diyos para sakin.Ang piliing mapalayo sa mga magulang para sa pag-ibig ng isang lalaki.

Sa gabi ng aming pulo’t gata, walang sisidlan ang kaba sa aking puso. Bawat pintig ay katumbas ng maraming tanong. Masakit kaya? Masarap ba? Anong dapat kong gawin? Hindi ko alam? OO nga, mahirap pa lang maging virgin! Nagdalaga ako at nagpakasal na inosente sa kasiyahan ng laman. Si Rudy tuwang-tuwa at tila sanay-na-sanay. Ewan ko, parang nasaring ang pagkabababe ko. Siguro hindi ako ang naunang babae kay Rudy. Pero, bakit ko pa iisipin yun e, asawa ko naman na siya.

Sumabay ang panahon sa pagpintig ng puso ko. Napintahan ng kalungkutan ang makulay naming buhay. Kumukupas ang kulay ng aming pagsasama – tila ba dini-dililigan ng sunod-sunod na bagyo. Halos lunurin na’ko ng pangungulila. Hindi naman sa hindi kami magkasundo, sensitibo pa rin ang puso ko sa paglalambing ni Rudy, ngunit limang buwan na mula ng kami ay kinasal hindi pa rin kami magkaanak. Nasasabik ako! Niinip! Naiingit! Bakit si Linda? Tatlong buwan pa lang silang nagsasama ni Ariel, na-delay na kaagad ang regla. Yun ang problema – hindi ako mabuntis-buntis, hanggang umabot ng isang taon.

Maraming nakisimpatya sa akin. Nakipagtsismisan. Ang kuwento namin ay parang kaning lamig na pinuputakti ng mga langgam. Gabi-gabi, halos hindi ako makatulog, hindi ako mapakali. – kinapalooban ng mga hinanakit ang puso. Maraming nagsa-suggest ng iba’t-ibang bagay na makatutulong daw para mabuntis ako. Kahit sa madaling araw umiiyak ako, kahit pa katatapos lang naming ni Rudy. Nanghihinayang ako sa mga pangarap ni Rudy para sa akin at para ( sana ) sa magiging anak namin.

Kahit lumaki ako sa mala-mongheng pamilya, iniisp ko na lang na kailangan kong gawin ang mga sinasabi nila sakin. Kahit minsan ayokong gawin, mahirap at parang nandidiri ako, iniisip ko na lang na kailangan kong gawin ang mga yun: tumuwad, mag-ipit ng unan, iba’t-ibang posisyon. Siguro nga desperado na’ko. Ewan ko ba, noong una hindi ko talaga masikmura pero sa tagal ng panahon ako na mismo ang lumunok ng katotohanan na maaring naubos na ng mga langgam ang matris ko.

Minsan para maiburol namin ang pananabik namin na magka-anak, hinihiram na lang namin ang mga anak ng mga pinsan ko. Doon ko nararamdaman ang silakbo ng damdamin ng isang ina. Para namang pinapaso ng init niyon ang puso ko sa tuwing nakikita ko si Rudy na tuwang-tuwa sa mga bata. Kung anak lang sana namin sila. May mga pagkakataon na nagagalit ang mga pinsan ko sa amin kesyo sinasanay daw namin ang mga anak nila sa luho. Masakit, parang pinapamukha sa akin na hindi ako magka-anak.

Hindi naman baog si Rudy, yun ang sabi ng doctor. Hindi rin naman ako. Normal kaming dalawa at tulad din ng madaming mga mag-asawa isang libong prosyento din ang posibilidad na magkaka-anak kami. Pero bakit? Sabi ng doctor acidic daw kasi kaming dalawa. Maari nga!
Madalas kasing uminom si Rudy kasing dalas din ng pagniniig namin. Minsan naririnig kong kinakantyawan si Rudy ng mga kumpare niya na baka kasi maliit yung sa kanya (hindi naman ah!). Umiiyak na lang ako, lalo pa at lalapit si Rudy sakin at magpaparaos. Luha! Yun na lang ang naghuhugas ng aking mga hinanakit. Mapait. Tulad din ng buhay pag-aasawa ko.

Magdadalawang taon na kaming mag-asawa ng magdesisyon akong tumigil na muna sa pagta-trabaho baka tulad din ng mga napapanood ko sa TV, masyado lang akong pagod. Walang akong ginawa kundi ang paghainan ng pagkain si Rudy bago pumasok sa trabaho, panoorin ang kanyang paglayo at hintayin ang kanyang pagbabalik – at manabik sa muli naming pagtatagpo sa gabi.

Pakiramdam ko wala ng saysay ang pag-se-sex namin. Ginagawa na lang naming yun para mailabas ang mga hinanakit namin sa buhay. Sa kabilang banda masaya na din ako dahil alam kong mahal na mahal ako ni Rudy. Hindi siya nagahahanap ng ibang kandungan.

Matagal-tagal ding hindi ko naramdaman ang init sa lugar namin. Hindi kasi ako lumalabas ng bahay, sawa na kong putaktakin ng mga usapan, lalo ko lang inililibing ang pag-asang magkaka-anak din kami ni Rudy. Ewan ko ba, pagnagse-sex kami, hindi na yun ang dahilan.

Gusto kong maging INA, lahat naman yata kaming mga babae yun ang pangarap; na kung titingnan naman ay nariyan lang sa lupa at pupulitin mo na lang, pero bakit parang sinadya ng Diyos na paliparin yung sa hangin at tuluyang ilambitin sa langit para sa akin. Ano bang kasalanan ko?

Inisip naming mag-ampon, pero iba ang gusto ko! Gusto ko yung dadalhin ko sa sinapupunan ko, di-dede sa akin. Iba ata ang emosyon ng tunay na anak.

May pag-asa pa naman, eh bakit yung kapitbahay naming na si Aling Adela at Mang Basyo, lumipas muna ang limang taon bago sila nagka-anak, kami ni Rudy e mahigit dalawang taon pa lang naman. Kung nakapaghintay sila, bakit ako hindi.

Para lang akong puno na matagal mamunga. Kailangan alagaan at diligan. Pero bakit ganun? Hindi naman nagkulang si Rudy sa pagdilig sa akin. Sobra pa nga, araw-araw. Siguro tulad ng isang puno, masamang lunurin sa tubig. Tama nga, nalulunod ako kay Rudy.

Pero may kunswelo pa din ang buhay. Masasabi kong nakakangat ako ng buhay kesa sa mga pinsan ko. May anak nga sila, wala naman silang pera. Nagmukha tuloy silang mga losyang at hukluban. Si Rudy, guwapo pa din. Na-isip ko rin, maganda na ngang hindi muna kami mag-anak, mahirap pa kasi ang buhay. Magpapayaman na lang muna kami.

Defense mechanism ko na lang ‘to. Dahil ang totoo sabik talaga akong magka-anak. Ayoko ko namang dumating ang panahon na kami lang dalawa ni Rudy ang magkasama. Hindi naman habang buhay kaya naming mag-sex.

Ayoko ko namang sumayaw sa Obando, nahihiya ako, para sa akin, pangmatanda lang yun, bata pa naman kami ni Rudy. Masigla pa ang mga eggcells ko, matagal pa bago ako mag-menapause.

Sa kabila ng kilokilometring dilim may natitira pa ring isang dangkal na liwanag, yan ang nakita ko sa sitwasyon namin. Nabuhayan ako ng loob. Naging pala-simba kami ni Rudy, panata na nga siguro. Naisip ko tuloy na baka nga parusa lang to sa amin, dahil mukhang nakalimutan naming ipagdiwang ang pagsasama namin na kasama ang Panginoon. Sa isang misa, nabanggit ng pari sa amin na minsan daw kaya hindi nagkaka-anak ang mag-asawa ay dahil may kasalanan muna silang dapat pagbayaran. Doon nasabi sa akin ni Rudy na may nauna na siyang pamilya, nagkaroon siya ng ka-live-in at 2 anak. Nagliyab ang puso ko. Binaha ng galit. Wala akong nagawa kundi tanggapin. Ganun naman dapat diba? Matuto tayong tumanggap sa katotohanan, kahit pa minsan para yung halimaw na nagdudulot ng kaguluhan sa puso mo.

Tinanggap ko pero nasasaktan ako, nalalaswaan ako. Hindi ko na masikmura ang paglalambing ni Rudy. Nususuka ako. Isipin ko pa lang na nagamit na niya “yun” sa ibang babae, ayoko na! Hindi ko alam, noon nasasarapan ako, ngayon, gusto ko ng bawiin lahat ng pagkakataon na sumisiping siya sa akin.

Mahigit dalawang buwan na kaming nag-aaway. Pero aaminin kong, ayoko rin namang maghiwalay kami, hindi naman kami nagsasama dahil sa sex lang o hindi naman talaga sex ang dahilan.

Ngunit dumating ang isang araw na nagising na lang akong galit na galit kay Rudy, gusto kong balikan ang pangloloko niya sa akin. Gusto ko siyang lasunin, siya naman ang lulunurin ko. Ewan ko, sinapian na yata ako ng masamang ispiritu. Sa isip ko, isa-isa kong binubunot ang mga buhok at kuko niya. Gusto ko siyang hubaran ng balat… nagdilim ang paningin ko… pero bago ko pa man maisakatuparan ang aking paghihiganti dumilim ang aking mundo at nahulog ako sa bangin.

Gumising akong tulala at hindi alam ang gagawin. Ngumiti sa akin si Rudy. “wag kang masyadong magpapagod makakasama sa bata!” Pumikit ako at muling nagpalamon sa dilim. Lumiliwanag ang aking mga tingin. Halos mabaliw ako sa kaligayan, lumipad ako at pinitas ang pangarap na matagal ng nakahain sa langit… ang kailangan ko lang pala ay maniwala at lumipad. #

____

Sinulat ko ang kwento na'to nung 2nd year college ako! haix, nakakatuwa at nasa cabinet-archive ko pa pala 'to!

Wednesday, June 16, 2010

SIMPLENG HILING SA PRESIDENTE NG PILIPINAS!


Totoo nga na madaming problema ang bansang Pilipinas. But what else is new? Corruption, traffic, kakulangan sa madaming bagay at serbisyo! Sa sobrang dami mahirap malaman kung saan ba dapat magsimula. Kahit ano man ang unahin nila, narito ang ilang simpleng proyekto at adhikain na makapagpapabago ng Pilipinas.

1. Ibalik ang BATIBOT!

Sayang, dahil pagmulat ng mata wala ang langit na nakatawa pati ang Batibot. Naging bahagi ng pagkatuto ng maraming Pilipino ang Batibot… sa totoo nga ito ay bahagi ng aming pagiging bata. Ang palabas na tulad ng Batibot ay nakatutulong upang mas madaling matandaan ng mga bata ang pagbibilang, ang mga alpabeto at marami pang iba. Akala ko nga ang Batibot ay bahagi na ng ating kultura… hindi pa pala. Buti pa si Dora at Boots kilala ng mga batang pinoy, paano na lang sina pong pagong at kiko matsing?

2. Magtanim ng madaming puno.

Mukhang gasgas na ang proyektong ito. Pero, kailan nga ba huling nagtanim ng puno ang pamahalaan? as in yung malawakang pagtatanim. Sa tindi ng init na nararanasan natin ngayon, kailangan nating magdagdag ng sources ng oxygen. Ayun nga sa lecture na dinaluhan namin sa La Mesa Ecopark, para ma-purify ang air sa isang lugar kung saan dinaraanan ng isang sasakyan ay kailangan mo ng mga 20 na puno. Tama, dalawampung puno. Just imagine, gaano karami ang sasakyan sa Maynila, at ilan ang puno sa daan para maglinis ng hangin? Kung ang bawat daan sana ay tataniman ng mga halaman, shrubs at mga puno, e dadami ang sources ng malamig na hangin na - oxygen. Tingan mo halimbawa ang parking lot ng malalaking mall? Sigurado akong may mga bahagi pa dun na pwede pa sanang pagtaniman ng puno. Napakadaming pinapasementong daan, pwedeng tama yun, pero sana kaalinsabay sa pagtatayo ng mga bagong mall, kalsada at mga opisina ay ang pagtatanim ng puno.

3. Magpagawa ng maayos at malinis na school canteen at banyo.

Aminado ang pamahalaan na kulang ang mga classrooms para sa mga mag-aaral kaya madaming klase ngayon ang nagsisiksikan. Maaring kulang din ang pondo sa pagpapagawa ng mga ito. Pero hindi lang naman classrooms ang pangangailangan ng mga studyante, pwedeng hindi lang inaangal ng madami pero maraming school canteen ang hindi maayos at madumi. Unhygienic baga. Oo nga, nasasapawan ng pangangailangan ng classrooms ang problema sa mga school canteen, pero tulad ng iba pang problema eto rin ay kailangan sulosyunan.

Sige, pwede muna nating ipagpaliban ang usapin sa school canteen, pero ang problema sa mga palikuran sa mga paaralan hindi dapat isnabin. Madaming paaralan ang hindi maayos ang mga banyo, walang sistema para dito at kulang din ng pondo para ipambayad sa mga utility personel na maglilinis nito. Mula noong nag-aaral pa ako hanggang ngayon, na may pagkakataon na nakabibisita ako sa mga paaralan, isa pa ring malaking problema ang CR. Madumi, barado, walang tubig at walang maglilinis. Sabi nga sa isang libro, minsan kahit iihi ka lang, minsan mauuna ka pang masuka.

4. Magpagawa ng malinis na CR sa mga istasyon ng bus at barko

O wag na muna tayong lumayo sa usapang banyo. Kung ikaw yung tao na mahilig bumiyahe sa mga probinsya o kahit sa Maynila lang, siguro na-experience mo na ang maduduming banyo sa mga bus station. Ok pa kahit papano yung sa ibang bus station na malapit sa Jollibee o McDo kasi may option ka, pero paano kung wala. Nung minsan bumiyahe ako papuntang Bolinao, grabe ang mga nadaanan naming CR ng mga bus station, hindi maganda at nakakahiya sa mga turista. Maganda ang Pilipinas, mga ilog, beach, resort, hotels at iba pa, pero aminin man natin o hindi kasama sa mga dadaanan mo pagbumibiyahe ang mga kubeta!

Maaring ang mga nabanggit na proyekto ay simple lamang pero sa tingin ko, ang mga ito ay mapapakinabangan ng madaming Filipino. Kung masisiyahan ang madami, bakit hindi di ba?

Tuesday, June 15, 2010

EMIR!


Last night I am having a second thought of watching a film. Why? First I don’t know what to like. Second, I don’t want to spend much. But then because I’ve been very tired these past few weeks, I really feel that I need to give myself a little threat in the cinema. Then, there I was standing in the movie booth, uncertain which one to see. Luckily, Emir came to my consideration.

In the beginning, I almost lost my interest. There’s a lot of singing going on, almost no rhyme, no beat and no interesting sound of the modern world, very few popular artist - the film, indeed, didn’t compromise with commercialism, it is full of art, the one that many youth or Filipinos no longer recognize nowadays. But then, slowly, the film will give you unexplained urge to just sit down there and let the story unfold in front of your eyes.

The lead actress is so “Filipina” and the rest of the OFWs featured in the film. I don’t want to talk about its story because the film has mastered its narration. Dulce, my goodness… she is so great! I didn’t imagine that she can act that way. She sings well, though I wish that the camera and a little ingredient of special effect would make her scene (the one when she convinces Amelia to accept the position she will be leaving) very much of “dream girls” or “Moulin Rouge”.

Emir is a film that this generation has almost missed. This is a film that we need right now! Beautiful storytelling, the lines are not awkward, actors are almost real and the cinematography is perfect.

This is a must-see film! Please watch it!
This is a little cliché… but simply for being a Filipino – watch it! It is beautiful!
Emir is beautiful!

THE BIRTH OF EVERYTHING WITH E


I always dream of becoming a talk show host; doing interviews to different people – in all walks of life. I want to see Madonna sitting right in front me in her gorgeous Armani female suit, we are laughing together, she’s talking about her elementary crush, her performance in school, how she actually liked mathematics and astronomy… then I get to know people in Somalia, discover their acquaintance with Mickey Mouse and Hollywood. But this wild dream didn’t come true. Six years after I graduated in college, I am now working as youth development worker in an NGO that helped me reached my dreams. Oh yeah, I get to talk to a lot of young people, learn their dreams and principle and uncover their heart’s desire. But then again, my aspiration of being in a make-shift beautiful living room inside a studio still lingers in my mind… I can still envision the movements of the camera, the dancing of lights and the director saying “action”. I am getting delusional now, and so before things get worse and I eat myself into deep frustration… I thought why not do it here?

Yeah, express myself in the web and create a blog site wherein I can talk about many topics – share my ideas on random events and interesting stuff! Now, I really wanted a name for my show that almost depicts everything I want to call is as “everything with E”. I’ll have it here! Not just in the air… but on line!

“Everything with E” is the haven of my thoughts, where my creativity will battle out with my emotions, practicality and my personal history. This is a place where I can talk about with things that start begins with “E” such as environment, education, entertainment, emotions, electricity, economics and events. But I will not forget things that has E on its center like sex perhaps, or men. Then, those that ends with “e” like life, love and style… and many others things that has “e” on it like freedom, health, games, recreation, science and other creatures. Food doesn’t have “e” but we can talk about appetite, desserts, cakes, candies, chocolates, meat and vegetables – oh don’t forget our juice and shakes.

Being ugly and fool doesn’t count on this blog; we rather talk about being beautiful, sexy and simple. If you have problem that has “e’ on it, sorry, solution doesn’t have ‘e” for it, but please don’t cry we can solve it, and if things get really tough and very hard to figure out, what we need is just a miracle that ends with “e”.

War doesn’t have “e” that’s why I don’t like it. I prefer peace and negotiations. We cannot talk about you and I and us… but we can talk about everybody and anyone. Probably, only Tuesday and Wednesday have “e” on it but who cares? We can do it everyday, within the week perhaps or why not the whole year. Do I need to measure about time?

So the next time that you open the net, don’t forget to visit my site “everything with e”. Always remember the “e” is the center of the World Wide Web!