Friday, December 10, 2010

sana hindi mangyari ang lahat!


Madaling araw ng Disyembre 12, 2010


Ang nakita ko ay isang halimaw na ulap na nagmamadaling umaakyat sa langit. Iyun ay tila may paa na nagmamadaling makapanira ng mga lupain. Lumindol ng pagkalakas-lakas, nabiyak ang mga lupa… nagkaroon ng mga malalaking usli ng lupa samantalang lumubog naman ang ibang mga bahagi. Parang pumutok ang isang bulkan… pero nakalilito ang mga pangyayari dahil mayroon ding mga kasunod na pagsabog. Mabilis na nabalita ang trahedya, at muli na namang sumailalim sa krisis ang ating bansa.



Mula sa tinutuntungan kong sementeryo sa bundok, nakita ko ang lahat ng mga pagsabog at pagguho ng lupa, huminto ako at nagdasal na sana ang lahat ay manatili na lamang sa aking panaginip at hindi ito isang pangitain ng mas nakakahindik na katotohanan!